-- ADVERTISEMENT --

Sa isang bansang madalas yanigin ng lindol, isang makabagong imbensyon ang literal na nagpapalutang ng pag-asa para sa mas ligtas na mga tahanan.

Ang Air Danshin Systems Inc., na itinatag ng imbentor na si Shoichi Sakamoto, ay nakabuo ng kakaibang seismic isolation system na kayang iangat ang buong bahay sa gitna ng lindol.

Sa oras na makaramdam ng pagyanig ang mga sensor, agad na nagpapakawala ng compressed air sa ilalim ng bahay, na siyang nagtutulak dito pataas ng hanggang 3 sentimetro—sapat upang maiwasan ang matinding pag-uga.

Sa loob lamang ng kalahating segundo, lumulutang na ang bahay sa ere habang nagaganap ang lindol, at saka ito marahang ibinabalik sa lupa kapag humupa na ang pagyanig.

Bagama’t may paalala ang mga eksperto na maaaring subukin ng mas malalakas at multi-directional na lindol ang limitasyon ng sistema, nananatiling positibo ang pananaw sa teknolohiyang ito.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyang isinusulong ang crowdfunding upang maipalaganap ang floating house system na ito hindi lamang sa Japan, kundi sa iba pang bahagi ng mundo.