-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ng Kataas-taasang Hukuman na nakabatay sa inilalatag na mga ebidensya ang desisyon inilalabas ng korte.

Giit ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, ang pagresolba sa mga kasong hinahawakan ng korte ay nakaayon sa batas at mga ebidensya.

Kaugnay ang pahayag sa makaraan saloobin ni Vice President Sara Duterte na hindi na umano ito nagtitiwala sa hukuman.

Nang magtungo kasi ang bise presidente sa Quezon City Regional Trial Court kamakailan ay ibinahagi nito ang kawalan ng pagtitiwala sa korte at maging sa mga kapulisan.

Ito’y kanyang sinabi kasabay sa paglalagak ng piyansa matapos isyuhan ng ‘arrest warrant’ may kinalaman sa kasong ‘grave threats’ na kinakaharap.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, ayon kay SC Spokesperson Atty. Ting, nirerespeto ng Korte Suprema ang pahayag ng ikalawang pangulo.