-- ADVERTISEMENT --
Nakatakdang magpakasal na ang showbiz couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa buwan ng Marso.
Kinumpirma ito ng aktres subalit hindi na binanggit ang petsa ng kanilang pag-iisang dibdib.
Lumabas ang usapin na maaring isabay ito sa ika-43 kaarawan ng aktor sa darating na Marso 2.
Dagdag pa ni Kim na hindi sa Metro Manila ito gaganapin at sa halip ay sa ibang lugar sa bansa.
Gawa umano ng kilalang designer na si Mak Tumang ang kaniyang gown na susuotin sa kasal.
-- ADVERTISEMENT --
Magugunitang isanagawa ang marriage proposal noong Agosto 2024.











