-- ADVERTISEMENT --

Sumiklab ang kilos protesta sa border ng Israel at Gaza.

Ilang daang mga protesters ang nananawagan ng tuluyang pagtigil ng kaguluhan.

Isinagawa ang protesta matapos ang pinaigting na pag-atake ng Israel sa Gaza.

May bitbit na mga karatula ang mga protesters na nakasaad ang pagsuporta nila sa Palestino.

Isinara naman ng Israel ang Allenby Bridge ang pangunahing daanan sa pagitan ng West Bank at Jordan matapos ang pamamaril sa aid workers.

-- ADVERTISEMENT --

Ilang mga lugar din ang isinaraw gaya ang crossing sa pagitan ng Israel at Jordan ganun din ang limitadong access sa Rabin Crossing habang sarado ang crossing sa Jordan River.


Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng malawakang kilos protesta ang mga Israeili sa malakin bahagi ng Tel-Aviv at Jerusalem para tuluyan ng tigilan ang pag-atake ng Israel sa Gaza na nasa halos dalawang taon na.