-- ADVERTISEMENT --

Kevin Quiambao lumahok na sa ensayo ng Gilas Pilipinas

Nakabalik na sa Pilpinas si Kevin Quiambao matapos ang paglahok niya sa summer league ng NBA.

Nitong Lunes ng gabi ay agad itong sumama sa lingguhang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa paghahanda nila sa FIBA Asia Cup 2025.

Sinabi ni Gilas head coach Tim Cone na isang malaking tulong sa kanila ang presensya ni Quiambao sa ensayo ng koponan.

Suportado rin ng koponan ang ginawang paglahok ni Quiambao sa NBA.Philippine tourism packages

-- ADVERTISEMENT --

Kasama sa ensayo nito ng Lunes ng gabi sina Justin Brownlee, Dwight Ramos, Carl Tamayo, AJ Edu, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Troy Rosario, RJ Abarrientos, Jamie Malonzo at Chris Newsome.

Magugunitang sasabak ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto.