-- ADVERTISEMENT --

Umani ng batikos si Kathryn Bernardo matapos tanggapin ang parangal bilang Most Influential Celebrity sa 11th EdukCircle Awards, dahil sa umano’y kakulangan ng paggamit ng kanyang plataporma upang magsalita laban sa isyu ng korapsyon sa bansa.

Ayon sa mga netizen, bilang isang sikat at may malaking impluwensiya, inaasahan nila kay Kathryn na magsalita ukol sa mga isyung panlipunan, partikular sa patuloy na katiwalian sa pamahalaan.

“Influential ka nga, pero di mo ginamit ang boses mo kung kailan kailangan. Di mo deserve,” ani ng isang fan sa X (dating Twitter). Isa pang netizen ang nagkomento, “Nasa UP Diliman ka pa, sis. Influence on things that really matter, where?!”

Sa kanyang acceptance speech, binigyang-diin ni Kathryn ang kapangyarihan ng kabataan sa “pakikipaglaban para sa tama.” Gayunman, hindi pa rin siya nagsalita nang direkta tungkol sa isyu ng korapsyon.

Samantala, ang kanyang pamilya ay nagpakita ng suporta sa mga lumahok sa nationwide anti-corruption protest noong Setyembre 21 sa pamamagitan ng pamimigay ng food packs at bottled water sa mga raliyista.

-- ADVERTISEMENT --

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Kathryn ukol sa isyu o sa mga batikos na natatanggap laban sa kanya.

Kaugnay nito kasarama rin na pinangaralan sina Anne Curtis, Marian Rivera, at Dingdong Dantes — mga artistang kilala sa pagiging aktibo sa mga isyung panlipunan.