Pormal na naghain ng kasong perjury si Vice President Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga sa Taguig City Prosecutor’s Office noong Marso 4, 2026.
Binanggit ni Duterte na si Madriaga, na akusado sa kasong kidnapping, ay nagkunwaring campaign supporter bago lumitaw bilang testigo sa impeachment laban sa kanya.
Matatandaang si Ramil Madriaga ay dating staff ng Office of the Vice President na kalaunan ay nagsumite ng affidavit na nagsasabing ang kampanya ni Duterte ay pinondohan ng mga drug dealers at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ang kanyang testimonya ay kabilang sa mga dokumentong isinumite sa ikatlong impeachment complaint laban sa Bise Presidente, na kasalukuyang tinatalakay ng House Committee on Justice.
Ang reklamo ay may anim na batayan kabilang ang umano’y plunder, graft, maling paggamit ng pondo, at banta sa pagpaslang.
Giit ni Duterte, hindi maaaring hayaang linlangin ang publiko ng mga imbentong kwento, at ang kanyang abogado na si Atty. Paolo Panelo Jr. ang haharap sa media upang sagutin ang mga tanong kaugnay ng kaso.











