Maaaring maharap sa kasong syndicated o large-scale estafa ang mga influencer na hindi pa rin humihinto sa pageendorso ng illegal online gambling.
Ito ang ibinabala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) kasunod nga ng ibinigay na ultimatum ng ahensiya sa mga influencer na itigil ang pagendorso sa mga iligal na online gambling noong nakalipas na linggo.
Ayon kay CICC deputy executive director Renato Paraiso, halos lahat na ng influencers ay sumunod sa kanilang apela bagamat mayroon pa ring matigas ang ulo.
Noong Hulyo 15, sinimulan na ng ahensiya ang pagpapadala ng notice sa mga influencer na hindi pa rin sumunod, ilan sa kanila ay mga grupo, para pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat maghain ang gobyerno ng mga kaso laban sa kanila.
Ayon sa opisyal, maaaring pumapalo hanggang sa kalahating milyon kada linggo ang kinikita ng mga malalaking influencer sa kanilang pageendorso sa illegal online gambling.
Samantala, nakatakda namang i-tap ng ahensiya ang social media platfoms para i-take down ang mga channel ng content creators na patuloy na nageendorso ng illegal online gambling sites.