GENSAN- Ayon sa Ombudsman walang nilabag na batas o walang nagawang anumang korapsyon si Mayor Lorelie Pacquiao at ang mga kasama niyang councilors at iba pang empleyado ng City Hall na nademanda.
Ang nasabing kaso ay dahil sa proposal ng Robinson Land Corporation para sa pagpapatayo ng mallengke sa tinatayuan ng Central Public Market sa Brgy. Dadiangas South.
Itoy kasunod ng ginawa nilang negosasyon sa tinatawag na Public Private Partnertship o PPP upang magpatayo ng isang mallengke na may halagang P2.3 Billion.
Matatandaang, si Vice Mayor Edmar Yumang ang siyang nagsampa ng kaso bago mag-eleksyon noong Mayo 2025 sa opisina ng Ombudsman.
Ang isinampa nitong kaso ay violation ng anti graft and corrupt practices sa ilalim ng RA 3019 at administrative case for Grave misconduct, gross neglect of duty at serious dishonesty.
Dahil sa naging desisyon ng Ombudsman maaasahan na tuloy-tuloy na ang pagpapatayo ng ‘mallengke’ na isang magandang proyekto para sa Gensan.











