-- ADVERTISEMENT --

Binawi ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang kahilingan sa Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) na madiskuwalipika si Prosecutor Karim Khan mula sa paghawak ng kaso laban sa dating pangulo.

Ayon sa lead counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman sa dokumentong may petsang Agosto 15, wala nang dahilan upang pagdudahan ang pagiging patas ni Khan o ang kanyang pahayag na wala siyang conflict of interest kaugnay ng dating kliyente na inakusahang biktima ng war on drugs.

Dagdag pa ni Kaufman, ayaw ng kampo ni Duterte na hadlangan ang maayos na daloy ng proseso sa pamamagitan ng patuloy na pagtutol sa paglahok ni Khan.

Nauna nang sinabi ni Kaufman na dapat tanggalin si Khan dahil dati umano itong abogado ng mga biktima ng war on drugs. Pero giit ni Khan, wala siyang conflict of interest at hindi kailangang umatras sa kaso.

Pinuri naman ni Kaufman ang Prosecutor sa pagiging bukas at maagap sa pagbibigay-impormasyon matapos siyang maitalaga bilang counsel ni dating Pang. Duterte.

-- ADVERTISEMENT --