Nagsumite ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng pinagsamang ulat mula sa mga kinuha nilang medical experts.
Ayon sa abogado ng dating pangulo na si Nicholas Kaufman, na ang hakbang ay bilang suporta sa pahayag nila ng tunay na lagay ng kalusugan ng 80-anyos na dating pangulo at kung bakit kailangan na itong palayain mula sa pagkakakulong ng International Criminal Court (ICC) facility.
Sa 12-pahinang ulat na isinumite nila sa ICC Pre-Trial Chamber I na nagsabing ang bagong medical evidence ay bilang pagsuporta sa Pre-Trial Chamber sa kalusugan ng dating pangulo para sa pagharap nito sa pagdinig.
Nakasaad din sa joint report na ang dating pangulo ay nagkukulang ng executive functioning, nagtamo rin ng kakulangan ng kapasidad magplano, kulang din sa mabilis na magdesisyon, nagkukulang sa lakas pisikal at walang abilidad na iwasan ang pagbabantay.
Dahil din dito ay walang kakayanan ang dating pangulo na bantaan ang mga witness at siraan ang integridad ng imbestigasyon.
Hiniling ni Kaufman na dapat ay pag-aralan na ng Pre-Trial Chamber ang pag-apruba ng interim release ni Duterte dahil sa nabanggit na mga kondisyon ng dating pangulo.
Magugunitang noong Disyembre 5, 2025 ay nagtalaga ang ICC ng panel of experts na susuri sa kalusugan ng dating pangulo kung may kakayanan ba itong dumalo sa pagdinig ng kaso niya.
Nakapiit ang dating pangulo dahil sa kasong crime against humanity mula sa kampanya niya laban sa iligal na droga noong ito ay pangulo ng bansa ganun din noong alkalde ito sa Davao City.











