Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) , tumama ang lindol ng 1:05 ng umaga nitong Miyerkules, Enero 28.
May lalim ito ng 19 kilometro at ang sentro nito ay 55 kilometers ng south Kalamansig.
Naramdaman ang intensity 4 sa Lebak at Palimbang, Sultan Kudarat; habang intensity 3 naman ang naramdaman sa Norala, South Cotabat; Esperanza sa Sultan Kudarat.
Intensity 2 naman ang naramdaman sa M’Lang at Pikit , Cotabato; Maitum, Malungon, Sarangani; Tantangan, City of Koronadal, Banga, Tupi, Surallah, Tampakan, and Santo Nino, South Cotabato; Isulan, Columbio, at Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Intensity 1 naman ang naramdaman sa Kadingilan, Bukidnon; Maasim, Alabel, Sarangan; at Zamboanga City.











