-- ADVERTISEMENT --

Patay ang isang jeepney driver matapos barilin sa loob ng pampasaherong jeep sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Edwin, 47-anyos, residente ng Barangay San Antonio, Quezon.

Samantala, ang suspek ay nakilala bilang si alyas “Ramil”, residente ng Barangay Tangob, Padre Garcia, Batangas.

Base sa imbestigasyon, kausap ng biktima ang isang tao sa kanyang cellphone nang biglang lapitan at barilin ito sa ulo ng suspek, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen.