-- ADVERTISEMENT --
Naglunsad ng pag-atake ang Israel military sa bansang Lebanon.
Ayon sa Israel Defense Forces, na target nila sa nasabing atake ang Hezbollah at Hamas.
Tinarget nila ang military infrastructure ng Hamas at Hezbollah sa apat na lugar ng Lebanon.
Maraming residente ang inilikas dahil sa nasabing pag-atake kung saan ilang mga gusali ang nasira.
Ang nasabing pag-atake ay kasunod ng ginawang airstirke ng Israel sa bayan ng Bint Jbeil, Lebanon kung saan nasawi ang dalawang katao.
-- ADVERTISEMENT --
Itinuloy-tuloy ng Israel ang pag-atake kahit na mayroong ceasefire na umiiral na pinangunahan ng US noon pang 2024.











