-- ADVERTISEMENT --

Nasa kalupaan na ng Casiguran, Aurora ang tropical depression Isang, matapos itong mabuo mula sa pagiging low pressure area (LPA).

Natukoy ang sentro ng bagyo sa vicinity ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 km/h.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 55 km/h at bugso na umaabot sa 90 km/h.

Signal No. 1:
Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis), Northern Nueva Ecija (Lupao, Carranglan, Pantabangan, San Jose City).

-- ADVERTISEMENT --

Pinalalakas ng bagyong Isang ang Southwest Monsoon (Habagat) na magdudulot ng malalakas na bugso ng hangin at pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Samantala, malalaking alon naman ang aasahan sa baybayin ng Batanes at Cagayan.

Habang katamtamang pag-alon sa Isabela, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Pinapayuhan ang mga mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot, lalo na kung hindi bihasa o kulang sa kagamitan.