-- ADVERTISEMENT --

Cased close na ang isang drug case laban kay dating Senador at kasalukuyang Mamamayang Liberal Party List Rep. Leila de Lima.

Ito ay matapos katigan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang pag-urong ng prosekusyon sa naturang kaso.

Sa resolution na may petsang Setyembre 30, tinanggap ng Muntinlupa RTC ang withdrawal ng prosekusyon sa motion for reconsideration na inihain noong Hulyo 14 ng kasalukuyang taon.

Bunsod nito, nagpasya ang korte na “closed and terminated” na ang isa sa drug cases ni De Lima, na nagresulta sa kaniyang halos pitong taong pagkakakulong.

Paliwanag ng korte na ang bawat pag-abswelto ay pinal na sa oras na iisyu ito at hindi na maaaring bawiin pa para sa pagtama o pag-amyenda.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa korte, ang paggawad ng motion for reconsideration sa kaso ay lalabag sa constitutional protection ng naabsweltong indibidwal laban sa double jeopardy.

Matatandaan noong Hulyo 23, ipinag-utos ng Department of Justice sa Muntinlupa prosecutors ang pag-urong ng motion for reconsideration sa drug case ni De Lima na inihain ng naturang korte.