-- ADVERTISEMENT --

Pinalubog ng submarine ng Estados Unidos ang barkong pandigma ng Iran timog baybayin ng Sri Lanka, na ikinasawi ng ilang tripulante sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Washington at Tehran.


Kinilala ng deputy foreign minister ng Sri Lanka ang lumubog na sasakyang-pandagat bilang frigate na IRIS Dena, na pabalik na sana sa Iran mula sa isang daungan sa silangang bahagi ng India.

Nangyari ang insidente sa Indian Ocean, daan-daang milya ang layo mula sa Persian Gulf, kung saan patuloy ang opensiba ng pwersa ng US at Israel laban sa Iran, habang gumaganti naman ang Tehran sa pamamagitan ng missile at drone attacks.

Ayon sa mga awtoridad ng ospital sa lungsod ng Galle sa Sri Lanka, 87 bangkay ang dinala roon ng mga military rescuer matapos makatanggap ng distress call ng madaling-araw.

Nailigtas naman ang 32 katao at kasalukuyang ginagamot sa ospital, habang tinatayang nasa 60 pa ang nawawala mula sa humigit-kumulang 180 katao na sakay ng barko, ayon sa mga opisyal ng Sri Lanka.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang tumitindi ang tensyon sa rehiyon.