Nanindigan si Iranian President Masoud Pezeshkian na hindi sila luluhod sa Amerika para matapos lamang ang halos pitong buwan na giyera.
Subalit sinabi nito na handa sila sa anumang diplomatic solution sa nasabing giyera.
Sa kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly na pinagtatanggol lamang ng Iran ang kanilang sarili sa pag-atake na ginagawa ng US at Israel.
Dapat ang mga kasunduan ng ipapatupad ay naglalaman ng pagtigil ng US ng pagharang sa mga barko ng Iran na gumagamit ng mga pangunahing dagat.
Ipinakita rin ng Iranian President ang mga larawan ng mga mamamayan niya na nagdurusa dahil sa ginawang pag-atake ng US at Israel.
Una ng ibinahagi ni US President Donald Trump na nagkaroon na ng pag-uusap ang US at mga kinatawan ng Iran para matapos na ang giyera.











