-- ADVERTISEMENT --
Tuloy-tuloy ang ginagawang pag-uusap sa pagitan ng US at Iran.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na pinag-aaralan na nila ang mga proposal ng US.
Subalit paglilinaw nito na kapag ipinilit ng US ang kanilang banta na pag-atake ay hindi rin sila magdadalawang isip na tapatan ang nasabing atake.
Inaayos na rin nila ang personal na pagkikipagkita kay US special envoy Steve Witkoff.
Magugunitang umabot na sa mahigit 500 protesters na ang nasawi matapos ang malawakang kilos protesta sa Iran.
-- ADVERTISEMENT --
Una ng sinabi ni US President Donald Trump na nagpahayag ng kagustuhan ang Iran na makipag-usap sa kanila dahil ayaw din nila na dumanak pa ang dugo sa Iran.









