-- ADVERTISEMENT --

Isinusulong ngayong muli ng legal na kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang interim release matapos itong mahimatay nang dalawang beses sa loob ng kaniyang detention sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa kaniyang abogadong si Nicholas Kaufman, dumaranas ang dating pangulo ng malalang short-term memory loss bagamat nananatili ang long-term memory nito.

Naghain ng panibagong medical report ang kampo ni Duterte upang suportahan ang hiling nitong pansamantalang paglaya.

Ito ay matapos ibasura ng korte ang mga naunang ebidensya patungkol sa humihinang pisikal at mental na kapasidad ng dating punong ehekutibo.

Ayon sa abogado, nahihirapan na ang dating pangulo na magbigay ng maayos na direktiba sa kanyang mga tagapagtanggol.

-- ADVERTISEMENT --

Inilabas ang ulat na ito kasabay ng pormal na pagsisimula ng pagdinig ng International Criminal Court (ICC) upang tukuyin kung isasalang sa paglilitis si Duterte para sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga o war on drugs.