-- ADVERTISEMENT --

Bumilis ng 1.8% ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa noong Disyembre ng nakalipas na taon, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang naitalang inflation rate noong Disyembre ay mas bumilis kumpara sa 1.5% na naitala noong Nobiyembre 2025 subalit mas mabagal naman kumpara sa 2.9% noong Disyembre 2024.

Sa isang pulong balitaan, iniulat ni PSA Undersecretary at National Statistician Dennis Mapa, pangunahing nakapag-ambag sa pagbilis ng inflation noong nakalipas na buwan ay ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain partikular na sa gulay at produktong arina na karaniwang ginagamit sa food consumption noong kasagsagan ng holiday noong Disyembre.

Nakaapekto rin dito ang mga tumamang malalakas na bagyo sa bansa noong buwan ng Nobiyembre na nakaapekto sa mga produktong gulay lalo na sa mga probinsiya sa labas ng National Capital Region.

Umaasa naman ang PSA chief na ang pagtaas ng presyo sa naturang mga produkto ay seasonal o pansamantala lamang at magsisimulang bumaba ngayong Enero.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag din ni USec. Mapa na ang naitalang 1.7% na average inflation rate noong 2025 ay ang pinakamababa simula noong 2016.

Ang 2025 annual average inflation ay pasok sa target ng pamahalaan na 2% hanggang 4%.