-- ADVERTISEMENT --
Nagpatupad ng curfew ang Indian security forces sa Leh, ang capital ng Himalayan region ng Ladakh.
Ito ay matapos ang tumitinding sigalot ng mga protesters at kapulisan kung saan apat na katao na ang nasawi.
Maraming katao rin ang nasugatan matapos na sunugin ng mga protesters ang opisina ng Bharatiya Janata Party (BJP).
Isinisi naman ng gobyerno ng India kay Sonam Wangchuk ang kaguluhan dahil siya ang nagpasimuno ng kaguluhan subalit kaniya itong itinanggi.
Mula pa kasi noong 2019 ay humihiling ang mga mamamayan na ibalik ang statehood ng Ladakh para mabigyan sila ng trabaho.
-- ADVERTISEMENT --