-- ADVERTISEMENT --

Suportado ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagsisiyasat sa mga umano’y palpak na flood control project sa lalawigan ng Cebu, kasunod ng malawakang pagbaha na lumubog sa maraming lugar dahil sa Bagyong Tino.

Ang pahayag ni Gatchalian  ay kasabay ng kanyang pagbisita sa iba’t ibang lugar sa lalawigan na labis na naapektuhan ng bangis ng nagdaang bagyo.

 Bumisita rin ang mambabatas sa mga lungsod ng Mandaue, Lapu-Lapu, at Cebu, kung saan patuloy ang pagbangon ng mga residente mula sa hagupit ng bagyo.

“Sana’y naiwasan ang tindi ng pinsalang dulot ng nagdaang mga bagyo kung mayroon lang sanang epektibong mga flood control project,” sabi ni Gatchalian, na matagal na ring nagbabantay ng mga kwestiyonable at depektibong proyektong pang-imprastraktura ng Department of Public Works and Highways.

-- ADVERTISEMENT --