-- ADVERTISEMENT --

Naglabas ng Maritime Safety Advisory ang Philippine Coast Guard matapos maitala ang pagka-antala sa operasyon ng tatlong pantalan sa Eastern Visayas dulot ng tropical depression Crising.

Apektado ang mga sumusunod na daungan:

Port of Maasin
Port of Benit
Port of Padre Burgos

Sa kasalukuyan, stranded ang 181 katao, kabilang ang mga pasahero, truck drivers, at cargo helpers.

Mayroon ding 90 rolling cargoes ang hindi makabiyahe.

-- ADVERTISEMENT --

Habang 3 vessels ang pansamantalang nakahinto at 2 vessels naman ang naghanap ng mas ligtas na daungan.

Pinapayuhan ang mga apektadong indibidwal na makipag-ugnayan sa lokal na awtoridad ng pantalan at mag-abang ng mga opisyal na abiso mula sa Philippine Coast Guard.

Mananatili ang mga protocol sa kaligtasan habang nararanasan pa ang masamang lagay ng panahon.

Ibig sabihin, hindi muna pahihintulutan ang regular na byahe hangga’t may malalaking alon na maaaring magdulot ng panganib sa mga byahero.