-- ADVERTISEMENT --

Nabiktima ng ransomware ang mga pangunahing paliparan sa United Kingdom, Germany at Belgium.

Ito ang lumabas na imbestigasyon na isinagawa ng European Union Agency for Cybersecurity (ENISA).

Hindi naman na binanggit ng ahensiya kung saang bansa galing ang nasabing nasa likod ng cyber attacks.

Mula pa kasi noong Biyernes ay ilang mga biyahe sa mga malalaking paliparan sa Europa ang nakaranas ng problema sa kanilang automated check-in systems.
Bagamat naibalik na sa normal ang mga flights ay may ilang flight pa rin sa Berlin Brandenburg Airport ang nagkaroon ng aberya sa kanilang check-in systems.

Inamin ng ahensiya na ngayong taon lamang ay nakalikom na ang mga nasa likod ng ransomware na aabot sa $238 bilyon.

-- ADVERTISEMENT --

Layon ng ransomware ay kukunin nila ang mga system ng computer at ipapatubos ng mga hackers ng ilang milyong halaga para ito ay maibalik.