-- ADVERTISEMENT --

Sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang ilang matataas na opisyal ng Department of Health (DOH).

Ito ay dahil sa anomalya sa pagbili ng mobile primary care facilities na nagkakahalaga ng P1.8 bilyon.

Sa siyam na pahinang reklamo ng concerned DOH employees ay kanilang inireklamo si Secretary Teodoro Herbosa; Undersecretary Glen Matthew Baggao ang namumuno sa Health Facilities Enhancement Program; Brigida Romualdez-Aquino ang head executive assistant to the secretary of health; at si Allan Tope ang executive assistant VI to the secretary.

Hiniling nila sa Ombudsman na imbestigahan ang nasaibng indibidwal dahil sa posibleng graft at paglaba sa New Government Procurement Act and its implementing rules and regulations (IRR) dahil iregularidad sa pagbili ng MPCF.

Nanawagan sila ng preventive suspensiyon sa mga opisyal para hindi makaapekto sa imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Karamihan sa mga naibahaging unit sa bahagi ng Mindanao ay depektibo kaya malinaw na nagkaroon ng anomalya ang pagbili.