-- ADVERTISEMENT --

Inamin ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na mayroon mga miyembro nila ang hindi tumatanggap ng guarantee letters para sa mga indigent na pasyente dahil sa pagkaantala ng kanilang mga bayad.

Ang guarantee letters ay inilalabas ng gobernador, senators, congressman at ilang mga opisyal ng gobyerno para tulungan ang pasyente na makapagbayad ng kanilang hospital bills.

Kinukuha ang nasabing pambayad sa pamamagitan ng pondo ng Department of Health sa pamamagitan ng pagsusumite ng promissory notes.

Sinabi ni PHAPI president Dr. Jose Rene De Grano na sa Calabarzon pa lamang ay mayroong P400 milyon na bayad para sa guarantee letters sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.

Ang pagkaantala ng bayad kasi aniya ay makakaapekto sa operating expense ng mga pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman sa kanila ng Departmetn of Health na mayroon namang sapat na pondo para sa pambayad ng mga delayed na nakapagbayad ng hospital bills.