Ilang daang libong mga residente ng Washington state ang pinalikas matapos na umapaw ang ilog dahil sa ilang araw na pag-ulan.
Dahil na rin sa insidente ay sinuspendi ang biyahe ng Amtrak trains mula Seattle at Vancouveer.
Nakadeklara na rin ang statewide emergency sa Washington dahil sa malawakang pag-ulan.
Gumamit naman ng helicopter ang mga rescuers para iligtas ang ilang mga residente malapit sa Sultan, Washington na naipit sa malawakang pagbaha.
Pinangangambahan din ng mga otoridad ang tuloy-tuloy na pag-apaw ng walong pangunahing ilog na napapalibot sa Washington.
Inatasan na rin ni Washington Governor Bob Ferguson ang mga National Guard na rumesponde sa mga nasasalanta ng pagbaha.
Ibinabala din ng mga eksperto na maaring magtagal pa ng ilang araw ang nasabing malawakang pagbaha.











