Para kay dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pinakamainam na venue upang talakayin ang umano’y mga insertion sa mga proyektong may kaugnayan sa flood control projects.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos itong humarap sa Komisyon.
Sinabi ni Romualdez, nakatutok ang nasabing fact-finding body sa katotohanan at ebidensya, at hindi sa mga haka-haka o ingay sa pulitika.
Nangako rin siyang babalik sa Komisyon sakaling siya’y muling ipatawag.
Matapos ang kanyang pagharap sa ICI, nagpasalamat si Romualdez sa Komisyon at ibinahagi ang kanyang personal na kaalaman sa proseso ng pagbuo ng badyet at sa mga isyung kaugnay nito.
Pinahalagahan ni Romualdez ang pagkakataong maipaliwanag ang kanyang panig nang direkta sa ICI.
Sinabi ni Romualdez nakakatuwang maibahagi niya ang kaniyang kaalaman sa ICI dahil nais niyang makipagtulungan sa imbestigasyon, suportahan ang fact-finding upang maresolba ang mga isyung bumabalot sa usapin sa maanomalyang flood control projects.
Nilinaw din ni Romualdez na sa ngayon wala siyang natatanggap na imbitasyon mula sa Department of Justice (DoJ).