-- ADVERTISEMENT --
Binigyang linaw ngayon ng International Criminal Court (ICC) na hindi pa sila naglalabas ng ruling sa interim release in dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing request na inihain pa noong Hunyo ay nananatiling nakabinbin sa international tribunal.
Ayon kay ICC spokesperson Fadi El Abdallah , na inilabas nila ang pahayag matapos ang mga kumalat na balita na naaprubahan na ang interim release ng dating pangulo.
Tinitiyak din nila na kanilang natututukan ang pisikal at psychological na kalagayan ng lahat ng mga detainees.