-- ADVERTISEMENT --

Pinagbawalan na ng International Criminal Court (ICC) ang pamilya Duterte na ikuwento sa labas ng pasilidad ang mga napag-usapan sa pagbisita nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.Digital Radio

Ayon kay Vice President Sara Duterte, na naghigpit na ang ICC sa kanila kaya hindi na nito naikuwento sa mga supporters ng ama na naghihintay sa labas ng pasilidad ang napagkuwentuhan.

Tiniyak na lamang ng Bise Presidente na buhay pa rin ang dating pangulo at maganda ang lagay ng kalusugan habang ito ay na detention facility sa The Hague, Netherlands.

Sa ngayon ay naghahanda na ang legal team ng ama para sa confirmation of cases na gagawin sa darating na Setyembre 23.