-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Atty. Krissy Conti, assistant to counsel sa International Criminal Court (ICC), na nabuo na ang Trial Chamber III na hahawak sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng war on drugs.

Ayon kay Conti, ang ICC ay nagtalaga ng tatlong huwes: Judge Joanna Korner, Judge Keebong Paek, at Judge Nicolas Guillou, upang dinggin ang naturang kaso.

Dagdag pa niya, ang mga susunod na hakbang ay pawang administratibo at nangangailangan ng koordinasyon sa pagitan ng prosecution, defense, at victims’ legal teams. Posibleng magsagawa ng status hearing sa private session sa mga darating na araw.

Ang ICC ay nagsimula ng imbestigasyon sa Pilipinas matapos ang mga ulat ng libo-libong pagkamatay sa ilalim ng kampanya kontra droga ni Duterte mula 2016 hanggang 2022.Philippine History Books

Noong 2021, pinahintulutan ng ICC Pre-Trial Chamber ang full investigation, na kalaunan ay pansamantalang sinuspinde ngunit muling ipinagpatuloy noong 2022.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng pag-atras ng Pilipinas mula sa Rome Statute noong 2019, iginiit ng ICC na may hurisdiksiyon ito sa mga krimen na umano’y naganap habang kasapi pa ang bansa.

Ang pagbubuo ng Trial Chamber ay mahalagang yugto sa proseso, dahil ito ang magbubukas ng pormal na paglilitis kung saan tatalakayin ang ebidensiya at testimonya laban sa dating Pangulo.

Sa kasalukuyan, inaasahan ang mas mahigpit na koordinasyon ng mga partido upang matiyak ang maayos na daloy ng proceedings.