Kinumpirma ng Kataastaasang Hukuman ang pagsusumite ng House of Representatives ng ‘Motion for Reconsideration’ hinggil sa naging desisyon ng Korte Suprema sa Impeachment vs. Vice President Sara Duterte.
Bagama’t hindi aktwal o pisikal itong inihain sa tanggapan ng Supreme Court, ayon kay Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, naisumite ito via eCourt PH o e-filing.
Ngunit hinihintay pa aniya nila ang hard copy ng mosyon sapagkat alinsunod sa guidelines ng Korte Suprema.
“Good afternoon. We confirm that the House of Representatives submitted a Motion for Reconsideration via eCourt PH in G.R. No. 278353 (Duterte v. HOR). We are still waiting for the hard copy of the MR, in accordance with the Guidelines on the Transition to Electronic Filing in the Supreme Court,” ani Atty. Camille Sue Mae Ting.
Maalalang idineklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema ang ‘articles of Impeachment’ ipinasa ng Kamara.