-- ADVERTISEMENT --

Nakahanda si House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ng Ilocos Norte ang kaniyang kahandaang humarap sa imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga proyekto sa flood control. Boluntaryo niya itong ipinaalam sa Komisyon sa isang liham na may petsang Nobyembre 26, 2025, na ipinadala kay ICI Chairperson Andres B. Reyes Jr.

Sa nasabing liham, sinabi ni Marcos na buo ang kaniyang suporta sa layunin ng Komisyon na “alamin ang katotohanan sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga proyekto sa Flood Control.” 

Iginiit niyang nakahanda siyang personal na tumestigo anumang oras na ipatawag siya, at bukas siyang tumulong sa kanilang fact-finding efforts.

Sa hiwalay na pahayag, binigyang-diin ni Marcos na ang batas ay dapat ipatupad nang pantay-pantay at walang sinuman ang dapat ilagay sa itaas nito.