-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang house leadership sa publiko na huwag magbahagi o mag-repost ng graphic photos, videos, at Hindi beripikadong impormasyon kaugnay ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.

Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, dapat maging responsable ang publiko habang hinihintay ang kumpleto at beripikadong impormasyon tungkol sa insidente.

Aniya, ang Hindi pagpapakalat ng sensitibong content ay paraan din ng paggalang sa mga biktima at kanilang pamilya.

Kaugnay nito, hinimok din ni House basic education and culture committee Chair Roman Romulo ang pagpapalakas ng good manners and right conduct o GMRC at mental health support sa mga estudyante, kabilang ang pagtuturo ng respeto sa buhay at mapayapang pagresolba ng conflict.