Bukas si House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores na pag-aralan muli ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Sa isang panayam sinabi ni Flores posibleng pagbasehan ang bigat ng pagkakasangkot sa ilegal na droga gaya ng pagpupuslit ng tone-tonelada nito.
Subalit hindi maaring isama na papatawan ng death penalty ang mga small time drug pushers at dapat isailalim sa rehabilitation ang mga drug addict.
Ipinunto ni Flores na kailangang pagtuunan ng pansin ang pagresponde ng pulisya at operasyon ng PDEA.
Naniniwala naman ang kongresista na ang usapin sa ilegal na droga ay maiuugnay din sa kahirapan.
Inihayag ni Flores na hihingi rin siya ng briefing sa PDEA upang alamin ang sitwasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas upang maging mas madali ang paghahain ng mga kinakailangang batas.