Hindi na isyu ang usapin ng hurisdiksyon ng Senate impeachment court ukol sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Reaksyon ito ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa planong mosyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa upang kwestiyunin ang hurisdiksyon ng 20th Congress sa impeachment case laban kay VP Sara.
Ayon sa senadora, napag-usapan na ang jurisdiction noon pang 19th Congress kaya’t wala nang dapat pang pag-usapan ukol dito.
Ngunit, aniya, kung may senator-judge na magmosyon ay handa raw ang senadora na idebate ang usapin nito.
Hindi rin kumporme si Hontiveros sa nais gawin ni dela Rosa na tanungin ang Senate 20th Congress kung gusto nitong ipagpatuloy ang impeachment trial laban kay VP Sara.
Giit nito, utos ng Konstitusyon na litisin ang nasasakdal.
Banat pa ni Hontiveros sa plano ni bato na i-raise sa plenaryo at hindi sa mismong senate impeachment court kaugnay sa impeachment case ni Duterte…
Inaasahan naman ni Hontiveros na magkakaroon nang malawak na diskusyon o debate sa oras na simulan na ang paglilitis.
Impeachment case against VP Sara
Impeachment trial
Senator Risa Hontiveros
VP Sara