-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.

Ayon sa huling ulat ng DSWD, umabot na sa higit ₱317 milyon ang halaga ng tulong na naibigay ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan.

Nakapagpamahagi rin sila ng ₱752,000 na tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa ipinadala ng DSWD ang 494,416 na family food packs, 17,380 ready-to-eat food packs, at 15,000 non-food items tulad ng hygiene kits at sleeping kits.

Tinatayang 1.7 milyong pamilya o mahigit anim na milyong katao ang naapektuhan ng dalawang bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, may 289,000 pamilya pa rin ang nasa evacuation center dahil sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa ilang lugar.