-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 4,806 pasahero, driver, at helper ang kasalukuyang stranded parin sa 103 pantalan sa iba’t ibang rehiyon ng bansa dahil sa masamang panahon dulot ng Typhoon Uwan (Fung-wong), ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Nobyembre 10.

Batay sa Maritime Safety Advisory ng PCG, pansamantalang ipinahinto ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang rehiyon dahil sa malalakas na hangin at masungit na karagatan.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Northeastern Mindanao, at Southern Visayas.

Sa tala ng PCG, 2,222 rolling cargoes, 44 vessels, at 20 motorbancas ang stranded, habang 392 vessels at 123 motorbancas naman ang kanilang itinali.

Pinakamatinding naapektuhan ang Bicol Region, kung saan 2,589 pasahero at 1,145 rolling cargoes ang hindi nakabiyahe. Sinundan ito ng Eastern Visayas na may 935 stranded passengers, at Southern Tagalog na may 744 pasahero.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Central Luzon, may 100 pasahero at 25 rolling cargoes ang stranded, habang sa Northern Mindanao, 216 pasahero at 18 rolling cargoes ang apektado sa mga pantalan ng Cagayan de Oro, Tagoloan, at Ozamiz.