-- ADVERTISEMENT --

Nakapagtala ng hindi bababa sa 11,437 na mga bar takers ang Supreme Court ngayong taon ayon yan sa naging datos ngayong unang araw ng Bar Examination.

Sa naging pulong balitaan, inihayag ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro -Javier, Chairperson ng 2025 Bar Exams, nasa 13,000 ang kabuuang bilang ng mgta examinees ngayong taon ngunit higit sa 11,000 mula sa bilang na ito ang siyang nakadalo at kumuha ng examination.

Sa bilang na ito, 6,673 ang mga kababaihan habang 4,764 naman ang bilang ng mga kalalakihang nagtake na halos pareho lamang sa naging statistic noong nakarang taon kung saan mas marami pa rin ang nag-exam at nakapasang kababaihan.

Inaasahan naman ni Lazaro-Javier na ang bilang na ito ay hindi na bababa sa mga susunod na araw dahil sa mga naitalang pag-back out ng ilang examinees sa mga nakaraang pagsusulit.

Aniya, bagamat nakakalungkot isipin na hindi na tumuloy ang ibang bar takers ay nagbigay pa rin ng mensahe ng paglaban si Lazaro-Javier at inihayag sa mga takers na huwag sumuko kahit pa gaano kahirap ang naturang pagsusulit.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, maliban naman sa University of Sto. tomas, ilang mga pamantasan pa ang kabilang sa mga local testing centers gaya ng ma sumusunod:

San Beda University Manila
New Era University Quezon City
Manila Adventist College Pasay
San Beda College Alabang
University of the Philippines – Bonifacio Global City
Ateneo Law School – Makati
Saint Louis University – Baguio
University of Nueva Caceres – Naga
University of San Jose Recoletos Cebu
Dr. Vicente Orestes Romualdez Educational Foundation – Tacloban
Central Philippine University – Iloilo
Ateneo de Davao University
Mindanao State University – Iligan Institute of Technology