-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 1,020,694 na indibidwal ang naitalang mga bagong botante para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Base sa datos na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC), ang Region IV-A o Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong rehistrante.

Mahigit sa 100,000 na indibidwal mula sa rehiyong ito ang nagparehistro upang makaboto sa darating na halalan.

Kasunod ng Calabarzon, ang Region 3 o Central Luzon naman ang may pangalawang pinakamaraming bagong botante.

Umabot sa mahigit 55,000 ang nagpatala sa rehiyong ito.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala rin ng malaking bilang ng mga bagong botante.

Mayroon itong mahigit 53,000 na mga indibidwal na nagparehistro.

Sa kabuuang bilang na mahigit isang milyon na nagparehistro, tinatayang nasa 230,000 ang mga aplikante para sa Sangguniang Kabataan.

Sila ay mga kabataang may edad 15 hanggang 17 taong gulang na gustong makilahok sa pamamahala ng kanilang barangay.

Ayon pa sa COMELEC, ang voter’s registration ay tatagal hanggang May 2026.