-- ADVERTISEMENT --

Dalawang beses nang sumubok ng surrogacy ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista, at inamin niyang ito ang isa sa pinakamahirap na yugto sa kanyang buhay.

Ayon kay Heart, naging mahirap at komplikado ang proseso ng egg freezing dahil sa dami ng gamot na kailangang inumin.

Sa kabila nito, apat lamang na egg cells ang nakuha mula sa kanya — dalawa sa mga ito ay hindi naging matagumpay, habang ang dalawa ay nagtagumpay sa simula: isang lalaki at isang babae.

Pinangalanan pa niya ang mga ito na Franciscko at Ameera.

Subalit, hindi rin nakaligtas si Ameera.

-- ADVERTISEMENT --

Nagdesisyon pa rin ang kanyang asawa na si Senador Chiz Escudero na ituloy ang surrogacy para sa kanilang anak na lalaki.

Sa ika-apat na buwan, nagkaroon na ng heartbeat ang sanggol, kaya’t labis ang naging kasiyahan ng mag-asawa. Nakapamili na rin sila ng mga gamit para sa kanilang anak.

Ngunit, malungkot na ibinahagi ni Heart na hindi rin nagtagal si Franciscko at ito’y nawala rin sa kanila.

Aminado ang aktres na labis ang sakit at hinagpis na kanyang naramdaman sa mga pangyayaring ito.

Sa kabila ng lahat, masaya si Heart sa kanyang papel bilang ina sa kambal na anak ni Senador Chiz na sina Joaquin at Cecilia, na itinuturing niyang sarili niyang mga anak.