Nagbabanta ang hanggang 200mm ng pag-ulan sa maraming bahagi ng Visayas dahil sa bagyong Tino.
Batay sa pagtaya ng state weather bureau, maaaring magpatuloy pa ang mga malalakas na ulan hanggang bukas (Nov. 4) kung kailan inaasahang tatawirin ng bagyo ang kalupaan ng bansa.
Nakataas sa Red Rainfall Warning ang mga probinsya ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, at Dinagat Islands.
Ang mga naturang probinsiya ay inaasahang makakaranas ng mahigit 200 milimetro ng tubig-ulan.
Nasa ilalim na naman ng Orange Warning ang probinsiya ng Surigao del Norte, Northern Samar, Sorsogon, Biliran, Samar, Cebu, Bohol, Camiguin, at Agusan del Norte. Ang mga naturang probinsya ay inaasahang makakaranas ng 100mm hanggang 200mm ng tubig-ulan.
Samantala, 28 probinsya naman ang nasa ilalim ng Yellow Warning.
Kabilang dito ang mga probinsya ng Misamis Oriental, Surigao del Sur, Negros Occidental, Siquijor, Negros Oriental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Catanduanes, Romblon, Albay, Masbate, Romblon, Palawan, Marinduque, Oriental Mindoro, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Sultan Kudarat, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Sarangani, Lanao del Sur, at Guimaras.
Ayon sa weather bureau, mataas ang banta ng pagbaha at mga serye ng pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar, lalo na at posibleng magtagal ang mga pag-ulan, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng Orange at Red Rainfall Warning.











