-- ADVERTISEMENT --

Sugatan ang isang lalaking guro matapos umanong bugbugin ng dalawang estudyante sa loob ng isang paaralan sa Maco, Davao de Oro, matapos niyang sitahin ang isa sa mga ito dahil sa pagsusuot ng hikaw na labag umano sa school policy.

Naganap ang insidente sa covered court ng Elizalde National High School, kung saan makikita sa kumalat na video ang pananapak ng dalawang estudyante sa guro.

Ayon sa salaysay ng guro sa pulisya, sinita niya ang isang estudyante dahil sa suot nitong hikaw. Nagalit umano ang estudyante habang inambahan na siya ng suntok hanggang taaan na siya mukha. Hindi naglaon, nakisali na rin ang kapatid ng estudyante at sinuntok ang guro mula sa likuran nito.

Tumagal ng ilang segundo ang insidente bago naawat ang dawalang menor de edad na estudyante.

Ayon sa Department of Education (DepEd) Davao Region, isinangguni na ang insidente sa guidance office ng paaralan para sa kaukulang administrative action.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, dinala na sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang dalawang estudyante.

Patuloy namang iniimbestigahan ng DepEd Davao de Oro Schools Division Office ang insidente.

Ayon kay DepEd-11 spokesperson Jenielito Atillo, hinihintay pa nila ang opisyal na incident report mula sa Schools Division Office, habang sumailalim na sa medical examination ang nasaktang guro.

Patuloy na sinusubukan ng Bombo Radyo na makapanayam ang paaralan ngunit tumanggi na itong mag bigay ng komento.