-- ADVERTISEMENT --
Sisimulan na ng Gilas Pilipinas Women ang kanilang kampanya sa 20th Asian Games ngayong araw laban sa Kazakhstan sa Aichi International Arena.
Magaganap ang paghaharap ng dalawang koponan ng dakong alas-3 ng hapon oras sa Pilipinas.Balitang Pilipinas
Nakahanay kasi sa Group B ang Gilas Women kasama ang Hong Kong, Japan at Kazakhstan.
Susubukan ng Gilas Women na mahigitan ang ikalimang puwesto nila noong Asian Games 2023.
Kabilang sa manlalaro ng Gilas Womens ang naturalize player na si Elizabeth Means na lalahok sa mga manlalaro gaya nina Hazelle Yam, Angel Surada, Camille Clarin, Stefanie Berberabe, Afril Bernardino, Monique Del Carmen, Camille Malagar, Jhazmin Joson, Kent Pastrana, Karl Ann Pingol at Janine Pontejos.
-- ADVERTISEMENT --











