Binigyang linaw ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na wala pang pinal na lineup para sa Window 2 ng FIBA Basketball World Cup.
Ayon kay Cone na kanilang isasapinal ang line up sa mga susunod na na araw.
Reaksyon ito ni Cone sa inilabas na listahan ng FIBA sa line up ng Gilas para sa Window 2.
Ang mga ito ay kinabiiblangan nina: Chris Newsome, RJ Abarrientos, Scottie Thompson, June Mar Fajardo, Cjay Perez, Dwight Ramos, Japeth Aguilar, Kevin Quiambao, Justin Brownlee, Carl Tamayo, AJ Edu, at Quentin Millora-Brown.
Kapansin-pansin ang kawalan sa listahan ni Kai Sotto na katatapos lamang gumalin mula sa kaniyang ACL injury.
Unang sinabi ni Cone na kanilang inaasahan ang pagsali ni Sotto para sa laro ng Gilas.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Pebrero 26 habang ang Australia naman ay sa darating na Marso 1 na ito ay gaganapin sa Mall of Asia Arena.











