-- ADVERTISEMENT --

May ilang mga pagbabago na gagawin ngayon ang Gilas Pilipinas para sa huling must-win na laro kontra sa Iraq sa FIBA Asia Cup na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sinabi ni Gilas head coach Tim Cone sa dalawang pagkatalo nila sa Chinese Taipei at New Zealand ay nagkumahog sila sa pagdepensa sa three-points shot.

Kanilang pag-aaralan pa rin kung bakit nakakalusot ang mga three-points shots ng mga koponan na kanilang nakaharap.

Mahalaga aniya na tignan at kilalanin sa mga koponan kung sino ang tinaguriang shooters.

Umaasa ang Gilas coach na mabaligtad ang dalawang pagkatalo.

-- ADVERTISEMENT --

Gaganapin ang paghaharap nila ng Iraq sa huling laro sa Group D ngayon Agosto 9 dakong alas-4 ng hapon.