-- ADVERTISEMENT --

May ilang mga manlalaro na dinagdag si Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia sa susunod na buwan.

Ayon kay Gilas Pilipinas coach Tim Cone, na kabilang sa mga idinagdag nitong manlalaro ay sina RJ Abarrientos, Troy Rosario, Zavier Lucero at Rhenz Abando.

Isinagawa ni Cone ang anunsiyo kasabay ng pagsisimula ng unang araw na ensayo ng Gilas Pilipinas para sa nasabing torneo.

Kasama na dumalo sa ensayo si Abarrientos at Rosario habang nasa US pa si Lucero at si Abando ay nasa Strong Group Athletics na lalahok sa William Jones Cup sa Taiwan.

Paglilinaw ni Cone na temporaryo lamang silang kasama sa listahan ng manlalaro para sa Asia Cup na magsisimula sa Agosto 5.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman nakadalo sa ensayo si June Mar Fajardo dahil sa kaniyang calf injury habang sa mga susunod na araw ay parating sa bansa sina Justin Brownlee at AJ Edu.