-- ADVERTISEMENT --

May mga ibang diskarte na gagawin si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa pagharap nila sa Australia bukas, Marso 1 para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Cone na bagamat maraming mga Pinoy ang hindi nakalimutan ang kaguluhang sumiklab sa center court noong Hulyo 20, 2018 ay sinabi niyang ito ay nakaraan na at dapat kalimutan na.

Giit na nakatuon na siya para talunin ang Australian Boomers para maibsan ang sakit na naranasan nila laban sa New Zealand nitong Huwebes.

Magugunitang tinalo na rin ng Australia ang Pilipinas noong Agosto ng ng nakaraang taon ng FIBA Asia Cup Quarterfinals.