-- ADVERTISEMENT --

Mas magiging agresibo na ngayon ang Gilas Pilipinas para sa pagharap nila mamayang gabi laban sa New Zealand sa kanilang ikalawang laro sa nagpapatuloy na FIBA Asia Cup na ginaganap sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sinabi ni Gilas coach Tim Cone, na labis na nadismaya ang mga manlalaro nito sa pagkatalo nila sa Chinese Taipei nitong madaling araw ng Miyerkules.

Inamin ni Cone na dismayado ito sa naging laro ng Gilas kung saan tila nasa panic mode sila.

Inako naman ni Cone ang pagkatalo nila kung saan may ilang diskarte na silang gagawin para makapasok sa quarterfinals.

Kinakailangan kasi na maipanalo nila ang laban kontra sa New Zealand at Iraq.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos ang pagkatalo nila sa Chinese Taipei ay nakapag-move on na sila at pinaghahandaan na nila ang mga susunod na laban pa.

Ang panalo kasi sa number 22 na New Zealand ay tiyak na ang pagiging numero 1 nila sa Group D at ang pagpasok sa quarterfinals subalit nakasalalay ang kanilang tsansa sa resulta sa laro ng Chinese Taipei at Iraq.

Kapag matalo ng Gilas ang Kiwis ay makakapasok sila sa quarterfinals sa qualification game laban a second-placer o third placer ng Group C na binubuo ng China, Jordan, India at Saudi Arabia.

Habang kapag matalo sila ay tanggal na sila sa pagkuha ng number 1 spot sa Group D subalit may tsansa pa rin sila sa quarterfinals sa pamamagitan ng knockout qualification game.

Kailangan din manalo sila Iraq para makapasok sa qualification game.